Ang Kaaba

Ang Kaaba ay isang pook dasalan na iniutos ng Allah kay Abraham at Ismail na itayo mga apat na libong taon na ang nakaraan. Ang gusali ay yari sa bato na pinaniniwalan na unang pook ng santuwaryo na itinayo pa ni Adam. Inuutos ng Allah kay Abraham na tawagin ang sangkatauhan na puntahan ang pook na ito.Kaya naman, kapag pumunta ang mga naglalakbay sa ngayon , sila ay nagsasabi: O Panginoon namin, naririto kami upang sa Iyo ay maglingkod, bilang pagtugon sa panawagan ni Abraham. read more>>

ALAQAH (QURAN 23:12-14)

Mga larawang nagpapakita ng pagkahawig sa pagitang ng LINTA at BILIG ng tao sa yugto ng ALAQAH. read more>>

Ang Maluwalhating Quran

Ang salitang Qur’an ay nanggaling sa salitang Arabik na qara’a na ang ibig sabihin ay pagbasa. Ang Qur’an ay nangangahulugan ng Basahin, Bigkasin, Ipahayag, o Ipagbadya. read more>>

BALITANG KAPATIRAN

Masayang tumangap ng kopya ng maluwal hating Quran sa wikang tagalog ang mga kapatiran. Nariyan po si Bro Harballah , Bro Jameel at iba pa.. read more>>

Ang Quran Hingil sa mga Bundok

Hindi ba Namin ginawa ang kalupaan ng patag at mga bundok bilang talasok? ﴾ أَلَمْ نَجْعَلِ الْأَرْضَ مِهَادًا ﴿٦﴾ وَالْجِبَالَ أَوْتَادًا ﴿ surah al-nabaa ayaah 6-7 read more>>

Ang Quran Hinggil sa mga Dagat at mga Ilog.

Binigyan Niya ng kalayaan ang dalawang dagat na magsalubong.Mayroong halang sa pagitan nila.Hindi nila ito nilalabag. [Quran 55:19-29] read more>>

ANG MGA HAYOP AY MAYROONG ISANG PANLOOB NA ORASAN (INTERNAL CLOCK)

“…Walang anumang bagay na gumagapang sa ibabaw ng kalupaan kundi bukod-tangi na Pagmamay-ari lamang ng Allâh (I), at ito ay nasa ilalim ng Kanyang Kapangyarihan at Pangangasiwa. Katiyakan, ang aking ‘Rabb’ na Tagapaglikha ay Siyang nasa Matuwid na Landas...” (Surat Hud, 56) read more>>

Ang Quran Hingil sa Cerebrum

﴾ كَلَّا لَئِن لَّمْ يَنتَهِ لَنَسْفَعًا بِالنَّاصِيَةِ ﴿١٥﴾ نَاصِيَةٍ كَاذِبَةٍ خَاطِئَةٍ ﴿١٦﴾ read more>>

SHAHAADA NEWS COTABATO CITY!

AUG.9,2012 SA MPDA CENTER, COTABATO CITY. SIYA SI ROXANNE ALCUIZAR, ISANG ROMAN CATHOLIC NA MATAIMTIM NIYANG SINASAMBIT ANG LA ILAHA ILLALLAH MUHAMMAD RASULULLAH MATAPOS MASAGOT ANG KANYANG MGA KATANUNGAN. BRO KHALID SANCHEZ- MPDA PRESIDENT read more>>

SHAHAADA NEWS FLASH!

7 kababayan naman nating ang nasumpungan ang islam at sa habag ng Allah, sila ngayon ay mga muslim narin. Alhamdulillah! read more>>

Kasama po si bro Neil Habalo,Bro abur raheem at bro jameel habang pinapaliwanag kay john michael ang Islam. alhamdulillah, pagkatapos po niyan ay yumakap din sa islam si john. read more>>

Halal recipes!

Alhamdulillah at may mga ibinahagi po sa atin ang mga mahuhusay nating kapatid sa pagluluto. Halina at tuklasin ang mga simple at masasarap na halal recipes. read more>>

ANG MADINAH

Ito ang siyudad ng Propeta Muhammad sallallaho alayhi wa salam. Dati itong tinatawag na YATHRIB. read more>>

MASJID NANITILING NAKATAYO SA GITNA NG MALUPIT NA HAGUPIT NI PABLO!

MATAPOS ANG MAPINSALANG PANANALANTA NG BAGYONG PABLO, SUBHANALLAH, HABANG ANG MGA KABAHAYAN AT MGA SIMBAHAN AY NADUROG, NANATILING NAKATAYO ANG MASJID SA COMVAL.. read more>>

 

Category Archives: BAKIT NAMIN NIYAKAP ANG ISLAM

Ahmad (Ruel) Viray

WHY I EMBRACE ISLAM

Namulat ako noon na isang Katoliko dahil Katoliko ang buo kong pamilya at parati akong nasa simbahan kapag linggo at kapag pinapatawag kami nung Pari kasama ang mga kalaro ko. Edad siyam ako, hinding-hindi ko makakalimutan ang nangyari iyon sa buhay ko, pagkatapos ng misa sa simbahan sa J.P. Rizal, Makati, pagtapak ng isang paa ko palabas sa bakuran ng simbahan ay bigla kong

 

nasabi sa isipan ko na mula ngayon ay hindi na ako tatapak kahit saang simbahan, hindi ko maintindihan ang nangyaring iyon sa akin, dahil wala namang hindi magandang nangyari sa akin sa loob ng simbahan. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, 22 years ay wala akong relihiyon. Lahat ng nag-aaya sa akin ay talagang tinatanggihan ko kahit ‘yung mabait na Pari na parating tumatawag sa amin ng mga kalaro ko ay tinanggihan ko na.

1st year high school ako noon, ang adviser ko ay isang INC, pinipilit niyang maging miyembro kami ng INC, binigyan pa ako ng papel para pumirma ang magulang ko, nang ibigay ko ang papel sa father ko para pirmahan, ang sabi sa akin ng mga magulang ko ay pipirmahan namin yan pero hindi ka na titira sa bahay na ito. Ibinalik ko na lang sa adviser ko ang papel, hindi ko maintindihan kung bakit napapayag ako ng teacher kong iyon na sumunod sa mga sinasabi niya, siguro dahil siya ay teacher ko o siguro nagsisimula na akong gabayan ni Allah (subhana wa ta’ala) na mayroon talagang Diyos, dahil ang itinuturing kong Diyos noon ay ang aking sarili, lahat ng pinaniniwalaan ko ay kung ano lamang ang nakikita ng dalawa kong mata.

Sa buong buhay ko sa high school ay maraming nangungumbinsi sa aking relihiyon, INC, Saksi ni Jehovah, at Born Again, bago palang na nakikilala noon ang Born Again, pero ang pinaka masigasig ay ang INC. Lalong nagulo ang utak ko sa kanilang mga paliwanag at ang higit na ipinagtataka ko noon ay bakit watak-watak ang Kristiyanismo sa ating bansa. Hindi ko pa nababasa noon ang aklat ng Bibliya.

Year 1983 ng mapunta ako ng Puerto Princesa, Palawan. Pumayag ang aking ina na isama ako ng kanyang mga kapatid dahil hindi ako naka graduate ng high school sa Makati High School dahil natuto akong magbisyo sa sarili kong kagustuhan at walang nagturo sa akin. Naging rebelde ako noon sa pamilya at hindi nalalaman ng aking pamilya na ilang beses kong tinangka na mag-suicide dahil napakagulo ng isip ko noon, kahit saan ako magpunta at kahit sino ang makausap ko ay wala akong maramdamang kapayapaan.

Hanggang sa dumating ako sa edad 20′s at magkaroon ng trabaho at makilala ang kristiyanong ina ng panganay ko. Nung time na iyon ay nakahiligan kong basahin ang aklat ng Bibliya. Nung una gulong-gulo ako habang binabasa ang nilalaman ng Bibliya, kaya nangyari na makalawang ulit ko itong binasa. Matapos kong basahin ang aklat ng Bibliya, maraming katanungan ang nabuo sa isipan ko. Bago ang mga katanungang iyon ay nasabi ko sa aking isipan na mula ngayon ay wala akong tatanggaping relihiyon sa Kristiyanismo dahil lahat sila ay puro kasinungalingan ang sinasabi at lahat ng doktrina nila ay taliwas lahat sa sinasabi ng Bibliya.

Ang mga tanong na hindi mawala sa isipan ko mula ng basahin ko ang aklat ng Bibliya ay, …. KUNG TAYO AY GALING SA ISANG LALAKE AT ISANG BABAE, BAKIT IBA-IBA ANG KULAY NG TAO? …. nandiyan din ang …. NANG PATAYIN NI CAIN SI ABEL PAANONG DUMAMI ANG TAO?. Nakasaad sa aklat ng Bibliya na may iba pang anak sina Adan at Eba (peace be upon them) pero hindi malinaw sa Bibliya kung paanong nangyari na may iba pang mga nilalang sa ibang lugar.

Hanggang sa dumating na naman ang isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko makalimutan. May trabaho ako noon sa Imelda Avenue st., Baranggay Tejeros, Makati City, at ang amo ko ay isang pulis Makati, ang pangalan niya ay Elmer, mang Elmer lang ang tawag namin sa kanya, at isa siyang Pastor na Born Again Christian at parati niyang kasama si Nestor de Villa na isang kilalang artista na Pastor din. Maysakit ang father ko noon at ang sahod ko ay Php 55.00 lamang, halos di ako makabili ng pantalon noon, lagi akong naka shorts kahit saan ako magpunta, inilalaan ko lamang ang pera sa gastusin sa bahay, naisipan kong humingi ng karagdagan sa aking sahod pero nagulat ako sa isinagot niya sa akin. Ang sabi niya kaya ko raw kailangan ang karagdagang sahod ay dahil wala sa akin si Jesus (alayhis salam), may nabuong galit sa puso ko noon. Bakit ganon, talaga namang napakababa ng sahod namin noon at alam nila na maysakit sa baga ang aking ama at alam nila na ako ay mahirap lang. Umabot hanggang 12:00pm ang pag-uusap namin noon na umabot pa hanggang sa silid-tulugan nilang mag-asawa. Doon niya ako kinompronta ng husto hawak ang aklat ng Bibliya, hanggang sa siya na mismo ang tumapos ng usapang iyon at ibinigay na niya ang sahod ko dahil araw ng sabado noon. Bago ako umalis ay sinabi niya na gusto niya akong yakapin, ang sabi ko … “ok lang pero huwag mong asahan na yayakapin din kita” …. kinabukasan pagbalik ko sa trabaho ay hindi ko na nagawang makatapak sa loob dahil sa labas palang ay hinarang na ako ng supervisor at sinabi sa aking tatawagan na lang ako, ibig sabihin ay tanggal na ako sa trabaho.

Matapos ang pangyayaring iyon ay lalo kong naisip na talagang hinding-hindi ako papasok sa kahit anong relihiyon. May iba pa akong napasukan noon pero inalisan ko rin. Isang araw ay nagulat ako dahil pumunta sa bahay ang amo kong pulis na pastor at nakikiusap na bumalik ako sa trabaho matapos ang dalawang taon na nawala ako sa kanya. Pinagbigyan ko naman siya dahil nataon na wala akong trabaho noon at ok naman ang ino-offer niyang sahod. Isang umaga bago kami mag-umpisang magtrabaho ay nakiusap siya na samahan namin siyang magdasal. Matapos ang dasal na iyon ay nagsalita siya, magtanong daw kami sa kanya tungkol sa relihiyon. Ilang minutong katahimikan ay walang nagtanong kaya naglakas-loob akong itanong ang katanungan sa isip ko na hindi mabura-bura, …. KUNG TAYO AY GALING SA ISANG LALAKE AT ISANG BABAE, BAKIT IBA-IBA ANG KULAY NG TAO? …. hindi ako makapaniwala sa naging sagot niya sa akin at alam kong pati na rin ang mga kasamahan ko ay nabigla rin sa sagot niya pero tahimik lang sila. Ang sagot niya ay … “DAHIL MAY ADAN AT EBA SA ASIA, DAHIL MAY ADAN AT EBA SA AMERIKA, DAHIL MAY ADAN AT EBA SA AFRICA, DAHIL MAY ADAN AT EBA SA EUROPA.”

Hindi rin nagtagal ay umalis din ako sa trabahong iyon, ang pangyayaring iyon ay hinding-hindi ko makakalimutan haggang sa ako ay mamatay, at matapos ng pangyayaring iyon ay napakaraming nangyari sa buhay ko. Nalulong ako ng husto sa bisyo, nawalan halos ng direksiyon ang buhay ko noon, kahit na kinakasama ko ang ina ng panganay ko ay wala pa ring kuwenta ang buhay para sa akin. Bago isinilang ang panganay ko, nagsimula na ring mawala sa akin ang sarap ng pakiramdam ng isang high sa droga, lagi akong nag-iisa noon sa kuwarto at patay ang ilaw at nakikipag-usap sa Diyos na hindi ko kilala. Nung time na iyon hindi man 100% ay naniniwala na ako na ang Diyos ay totoo. Tatlong kahilingan lang ang paulit-ulit kong hinihingi sa Kanya. Una, ang maisilang ng maayos ang anak ko, pangalawa ay ilayo niya ako sa lugar na iyon, hindi lang sa lugar na iyon kundi dalhin niya ako sa malayong lugar, malayo sa Pilipinas, at ang huli ay ituro Niya sa akin ang tunay na relihiyon.

Naging masigasig ako noon sa pag-aaplay ng trabaho abroad at local. Hanggang sa mabasa ko ang isang ads sa People’s Journal na nangangailangan ng dalawang printing operator. Nag-apply ako at nagulat sa dami ng aplikante at nalungkot ako dahil dalawa lang ang kailangan. Matapos kong mai-submit ang aking mga papers ay local naman ang inatupag ko. Apat na kilalang kumpanya ang inaplayan ko sa Makati at Taguig, at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na natanggap ako sa apat na company na iyon at lahat ay na-medical ako ng libre sa loob mismo ng apat na kumpanyang iyon. Ang problema nga lang ay hindi ko malaman kung saan ako papasok dahil parehong araw na pinagre-report ako. Pag-uwi ko sa bahay ay may dumating na telegram galing sa agency at pinagre-report ako, dahil nag-back-out daw yung pangalawang napili nila na ready na lahat ang papers, visa at tiket. Nanganak daw ang asawa kaya nag-back-out. Tuwang-tuwa ako dahil alam ko na dininig ng Diyos ang dasal ko, at sampung araw bago ako lumipad patungo dito sa Jeddah, Saudi Arabia ay isinilang naman ang panganay ko.

Paglapag ng eroplano sa paliparan ng King Abdulaziz ay ayaw kong lumabas ng eroplano dahil hindi ko kayang malayo sa aking pamilya, pero sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong gawin ito, kahit sobrang homesick ay pilit kong nilabanan ang lungkot. Trabaho – bahay lang ang ginawa ko noon. At muli na namang kumatok ang INC at Born Again sa akin. Nagba-bible study kami sa villa at parati naman akong hinihila ng kasama ko na INC sa sambahan nila. Natigil lang ang pagsama ko sa INC na iyon dahil nangyari minsan na nung time ng offering nila ay pati pala kaming mga hindi miyembro ng INC ay obligadong magbigay din, hindi ako nagbigay kaya ang ginawa ng kasama ko ay binigyan niya ako ng five riyals at siya kong inabot doon sa lalagyan.

Halos isang taon bago ko tinanggap ang tunay na relihiyon, ay may mga pagsubok na namang nangyari sa akin dito sa Saudi Arabia. Nagkahiwalay kami ng ina ng panganay ko, nabalik na naman ang mga bisyo ko, halos dalawang buwan akong hindi nagtrabaho. Nagkakaroon lang ako ng panggastos sa araw-araw dahil pabalik-balik ako sa hospital para magbenta ng dugo. Kasama ng mga pagsubok na iyon ay ang mga hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Una, kapag naririnig ko ang adhan lalo na kapag adhan ng maghreb. Madalas ako na nasa roof top at pinakikinggan ang napakagandang sigaw na iyon sa aking pandinig. Pangalawa, ang hindi ko maipaliwanag na kapayapaan na aking nararamdaman kapag kasama ko ang mga kaibigan kong mga muslim. Dalawang muslim na Somali ang kaunaunahan kong naging kaibigan dito sa Saudi Arabia. Kasamahan ko sila sa trabaho, at sumunod na ang mga Yemeni. Hindi pa ako muslim noon pero nakatulog na ako sa bahay nila, halos isang araw akong naglagi sa bahay nila. Pagbalik ko sa villa, ay tinanong ako ng ibang pilipino doon na bakit daw ako sumasama sa ganoon klase ng tao. Ngiti na lang ang naisagot ko sa kanila, dahil alam kong hindi nila maiintindihan ang nararamdaman kong kapayapaan kapag kasama ang mga kaibigan kong Somali. Sa oras ng break time sa trabaho ay mahigit sampung muslim na Somali at Yemeni ang kasama kong kumakain sa mesa. Hindi ko maiwasang matawa kapag naaalala ang pangyayaring iyon, nagkaroon kasi ng diskusyon tugkol sa relihiyon. Alam ko na gusto nila akong maging muslim pero hindi nila maipaliwanag sa akin ng mabuti. Nagawa ko pang pagtawanan ang Islam noon dahil sabi nung isa, ang buong Ka’aba daw ay galing sa Langit. Hanggang sa dumating ang time na kailangan kong mag-emergency leave para ayusin ang problema ko sa Pilipinas. Pagbalik ko dito sa Saudi Arabia, isang araw pagkagising ko ay gustong-gusto kong mag-aral magsulat at magbasa ng arabic.

Marami akong mga kasamahang balik-Islam sa trabaho pero lahat sila ay hindi nagsa-salah. Kaya lang sila naging muslim dahil nag-asawa sila ng indonesia. Pinakiusapan ko ‘yung isa na matagal ng nag-embrace sa Islam na samahan ako sa Islamic Center pero hindi niya ako sinamahan. Ang huling pinakiusapan ko ay ‘yung huli at bagong embrace na samahan ako sa Balad. Bago niya ako naisama sa Islamic Center sa Balad District ay diniscourage niya ako na huwag ng pumunta doon. Lalo akong naging masigasig na makapunta sa Islamic Center para malaman kung ano ang naroroon. Unang araw ko sa Islamic Center at friday noon, kinausap ako ng isang Daiyah. Na-shocked ako sa mga sinabi niya, pakiramdam ko ay nanonood ako sa sinehan ng horror movies, dahil ang intro kaagad niya sa akin ay ang mga kaganapan sa YAWMUL QIYAMAH .

Nakiusap ako sa mga nagtuturo doon sa Islamic Center na huwag muna akong mag-shahadah at hayaan muna nila akong mag seat-in at makinig ng mga pinag-aaralan ng mga estudyante. Nung mga time na iyon ay tuloy pa rin ang pagba-bible study ko sa villa. Sa pangatlong pag-attend ko sa Islamic Center ay nabalitaan nung pastor na nagba-bible study sa villa na pumupunta ako sa Islamic Center. Nabigla ako sa sinabi nung Pastor na DEMONYO daw ang mga muslim at nag-iyakan pa ang ibang nandoroon. Nasaktan ako sa sinabi niya at lakas-loob kong ipinagtanggol ang maling paniniwala nila sa mga muslim. Ang natatandaan ko na lang na sinabi sa kanila bago ako lumabas ng kuwarto ay …. “KUNG ANG MGA MUSLIM AY DEMONYO, BAKIT KAYO NARIRITO?”

Matapos ng pangyayari iyon ay umiwas na sila sa akin, at matapos ang limang friday ay niyakap ko na ng buong puso at kaluluwa ang relihiyong Islam. Ang katanungan kong …. KUNG TAYO AY GALING SA ISANG LALAKE AT ISANG BABAE, BAKIT IBA-IBA ANG KULAY NG TAO? …. ang naging daan para tuluyan ko ng yakapin ang Islam. Itinanong ko ang katanungan kong iyan sa isang teacher doon kaharap ang mga estudyante at namangha ako sa napakagandang paliwanag na ibinigay niya …. ALHAMDULILLAH.

 

 

 

 

Sarah Baldonado

Assalamu alaikum warahmatullahi wa barakatuh!

Ako ay lumaki sa pamilya ng mga Katoliko at namulat na ang Diyos ay ang siyang  nakikita ko sa aming altar sa loob ng bahay. Nandoon si Jesus na naka pako at ang kanyang ina na si Maria at ang ama naman ay si Joseph kung saan inilalarawan ang isang “pamilya”.

Nang ako ay nasa grade 5 ng mababang paaralan ang aking Science teacher ay isang Pastor ng “Born Again Christian Church” sa huling bahagi ng aming klase palagi niyang isininsingit ang doktrina ng Kristiyanismo at ipinaliwanag niya sa klase namin na ang isa sa pinakasusuklaman ng Diyos ay ang pag samba sa mga rebulto at imahe. Isang araw binigyan niya kami ng isang pagsubok na sirain namin ang rebulto sa aming bahay at hindi kami maaano dahil ang mga iyon ay walang magagawa saamin. Ngunit ang bilin saamin ng aming Nanay kapag hinawakan naming ang mga Santo at ito ay nasira ang aming mga kamay daw ay magdidikit dikit at hindi na maghihiwalay kahit kalian dahil iyon daw ay parusa sa mga batang matitigas ang ulo at walang pag galang sa Santo… Dahil sa aking murang edad ako ay napaisip sa sinabi ng aking guro at naisip ko na sirain ang aming santo sa bahay. Ang Santo Nino na naka turo ang daliri ay unti unti kong pinipingas simula sa daliri hangggang maputol ang kanyang kamay. Hanggang sa isang araw ay hindi ko na nakita ang Santo na iyon sa aming altar (dahil kasama ang ulo sa aking pinutol) At doon na ako nag simulang sumali at naging aktibo sa pagiging Born Again.

Nang ako ay mag High School hanggang sa mag kolehiyo ay dala dala ko ang pinaniniwalaan kong doktrina na itinuro ng aking guro. At doon ko naisipan na ituro din sa aking pamilya ang Kristiyanismo at madali saaking pamilya na mahikayat lahat kami ay dumalo sa Church tuwing Linggo at tuluyang iniwan ang Katolisismo (MALIBAN SA AKING TATAY)

Nang ako ay magkaroon ng pagkakataon na makarating ng Dubai (UAE) ako ay naiinis sa tunog na aking naririnig (Adhan/call of prayer) dahil sa tuwing naririnig ko ay nababalisa ako at hindi mapakali na para bang naririnig ko ang (PASYON sa Pilipinas tuwing mahal na araw). Naiinis din ako sa tuwing mayroon akong makaka usap na babaeng muslim na naka takip ang mga mukha na tila bagang gusto kong hilain ang kanilang takip upang sila ay maka hinga ng maayos at mainitindihan kong mabuti ang kanilang sinasabi ako ay iretable sa kanilang pananamit at napag iisipan ko sila ng hindi maganda ( awudhu billah).

Nagkaroon ako ng isang kaibigan na Muslim at ako ay palagi niyang pinaliliwanagan tungkol sa katuruan sa Islam. Ngunit hindi ako interesado dahli ang tingin ko sa mga Muslim ay mga taong mayroong sariling mundo at napag lipasan ng makabagong henerasyon ng ating lipunan.

Sa tuwing ako ay bibigyan niya ng Libro o pamphlet itinatapon ko ito, o di kaya ay iniiwan kung saan. Mayroong isang pagkakataon na dahil sa kanyang kakulitan kami ay nagkaroon ng isang argumento na nauwi sa debate, gusto niyang patunayan ko na si  Jesus ay ang AMA ANAK at ESPIRITO sa isang persona. At papatunayan daw niya na ang DIYOS AY NAG-IISA. Dahil sa wala saamin ang patatalo ako ay nag “WALK OUT” iniwan ko siyang mag isa at ako ay naglakad papaalis na galit na galit  habang ako ay naglalakad papauwi sa di sinasadyang pagkakataon ako ay naiputan ng ibon sa aking ulo dahil sa aking inis ako ay sumakay ng TAXI at pag pasok ko sa loob ng taxi ako ay mayroong naupuan at pag hatak ko mula sa aking kinauupuan nakita ko ang isang bugkos ng libro mga anim o pitong maninipis na libro at bumungad saakin ang pamagat na  “Ang totoong Mensahe ni Cristo Hesus”  ako ay natawa saaking sarili dahil tila ba ako ay pinag lalaruan ng pagkakataon wala ako nagawa kundi iuwi ang mga libro.
Sa aming opisina ang aking amo ay isang relihiyosong Muslim na Arabo palagi siyang namimigay ng mga librong tagalong tungkol sa Islam at halos mapuno ko na ang aking drawer sa kanyang kakapamigay. Hanggang sa siya na mismo ang lumapit saakin at tanungin ako tungkol sa aking relihiyon “TELL ME ABOUT YOUR GOD, AND ILL TELL YOU ABOUT MY GOD”. Iyan ang mga katagang sinabi nya saakin at kumabog ang aking dibdib at sabi ko sa sarili ko heto na naman ang mga Muslim at tila baga hinahamon na naman ako ng argumento na posibleng mauwi sa debate. Ngunit sa oras na ito siya ay aking boss hindi ko siya pwedeng iwan at mag walk out kagaya ng ginawa ko sa aking kaibigan. Kaya buong tapang ko siyang hinarap at ipinakilala ko sa kanya ang aking Diyos na si Jesus  na AMA ANAK at Diyos Espirito na ipinanganak ni Maria upang iligtas ang sanlibutan sa ating mga kasalanan upang mailigtas tayo sa apoy ng impiyerno. At nang tanungin niya ako kung saan ko mababasa iyon ako ay parang pinakukuluan sa ilalim ng aking kinauupuan… At naisagot ko lamang ay “basta nakasulat yan sa Biblia”. At siya ay ngumiti at nagsalita kinuha niya ang Quran at binasa sa wikang Arabic

 In the name of God, Most Gracious, Most Merciful

Say: He is Allah, the One and Only!
Allah, the Eternal, Absolute;
He baguettes not nor is He begotten.
And there is none like unto Him.

Kalakip ang isang paliwanag na “Ang diyos ay hindi mo maaring bigayan ng wangis o mukha hindi siya maaaring ilarawan kagaya sa kanyang mga nilikha at madami pang paliwanag na pumukaw sa aking puso at gumising sa aking natutulog na isipan.

Pag uwi ko ng bahay ay hinalungkat ko ang mga libro na aking naipon binasa kong lahat ng iyon at unti unting nag liliwanag ang aking isipan habang unti unti kong natatapos na basahin ang bawat pamphlets, hanggang lumipas ang ilang araw tinawag ko ang aking kaibigang muslim at tinanong ko siya kung paano ba maging Muslim, dinala niya ako sa pinaka malapit na Islamic Center sa Dubai at isang Pilipino ang nagpaliwanag saakin ng mga pinaniniwalaan sa Islam. At sa araw na iyon ika 12 ng Enero taong 2011 ay niyakap ko ang Islam bilang aking relihiyon at gawi ng pamumuhay. At sa kasalukuyan ay ipinapangaral ko sa aking pamilya ang katuruan ng Islam at sa awa at habag ng ALLAH subhanu wa ta’ala ang aking Ama at mga kapatid ay yumakap na din sa Islam at idinudua ko sa ALLAH na gabayan din niya ang aking Ina at iba pang mga kapatid sa matuwid na daan.

Leilah Cantemprate

How I embraced Islam.

 …leilah cantemprate

Hindi pa kami kasal…

Bro: Gusto ko maging halal na kami, kaya lang mukhang ayaw naman nya magmuslim.

Sister: Sama mo kasi sa Islamic centre.

Bro: Ayaw nga lagi kami nagtatalo pag ino-open ko sa kanya tungkol dyan. Ma-pride kasi.

———-

Bro: Sama ka sa bahay namin pakilala kita sa friend ko.

Me: Okay lang (kahit ayoko…)

Sister: Kamusta Jho (nickname ko). Uy bro bigyan mo sya ng mga babasahin tungkol sa Islam.

(Binigyan nya ko ng mga babasahin, pero tinago ko lang.)

Bro: Basahin mo rin ang mga ito (another set ng babasahin) Pag-aralan mo ang Islam, mas maganda kasi ito kesa sa relihiyon mo, mali kasi ang paniniwala nyo.

Me: (Nagalit ako sa tinuran nya) Wala kang karapatan na sabihin kung ano ang tama at mali, lalo sa relihiyon ko. Pinalaki ako ng magulang ko sa mabuting paraan at sa nakalakihan kong relihiyon na may matuwid na pamumuhay.

 

(Subalit lumaon, nabalitaan ko nag Pentecostal ang ilan sa pamilya ko, una ayaw pa ng tatay ko, kalaunan ganun na rin sya). Isang taon di ako nagsisimba sa simbahang Katoliko, di na nagsisimbang gabi o kahit humawak ng rosaryo man lang, may mga palaisipan sa utak ko.

 

Napaisip ako, ano meron sa Katoliko na kinalakihan ko, sa Pentecostal na ngayon ay relihiyon na ng ilan sa pamilya ko at Islam na pilit ipinaaaral sa akin nitong si bro.

Lingid sa kaalaman ni bro nagbasa-basa ako ng ilan sa babasahin na meron ako tungkol sa Islam, mukhang malalim. Kailangan ko ng makakausap tungkol dito, pero di si bro, nainis kasi ako sa kanya, pero tama sya kailangan ko pag-aralan ito, saka na ang pinasok ng pamilya ko…ang Pentecostal.

 

Dala ng kuryusidad, nakipag-chat ako sa frend ni bro.

 

Me: Sama ako sa Islamic centre bukas.

Sister: Talaga?! Sige

Bro: (Nalaman nya sasama ako sa Islamic centre. Di makapaniwala…)

 

Sa Islamic centre, nakausap ko ang ilan sa mga brothers na nagda-dawah… Ako lang ang non-muslim. Kakaiba ang pakiramdam, magaang na di ko maipaliwanag. Habang nagsasalitan kami ng mga salita tungkol sa Islam at sa relihiyon ko, may mga tanong silang di ko mabigyan ng sagot, hinayaan ko na lang sila, nakinig na lang ako, parang mas magandang makinig na lang, tama naman lahat ng mga sinasabi nila.

 

Me: Mali ba paniniwala ko?

Islamic Centre: Ano ba paniniwala mo? Naniniwala ka ba na iisa ang Diyos?

Me: Oo, pero di si Jesus alam ko, di siya Diyos. At palaisipan sa akin bakit kailangan sa loob ng isang pamilya magkakaiba kmi ng paniniwala? (habang nakikipag-usap tumatagos sa puso ko ang lahat ng sinasabi nila, di ko namamalayan naiiyak na rin pala ako sa di ko malamang dahilan, lumawak ang usapan namin at naipaliwanag sa akin kung ano ang Islam at ang Muslim Alhamdulillah)

 

Sa maikling salita, di lumipas ang araw na iyon na hindi ko natanggap ang Islam, Allahu Akbar! Subhan’Allah mapalad ako’t isa ako sa mga ginabayan ni Allah.

 

Bro: (di malaman kung nagshahada ba ko o hindi, bakit daw ba ako umiiyak, si bro naman di maka-get o di lang makapaniwala kung nagshahada man ako)

Ilang araw lang nagpropose na ng kasal si bro haram daw kasi kung mananatili lang kaming magkasintahan :) , kailangan daw naming maging halal :) syempre OO naman agad ako, magbago pa isip, hehe.

 

Paalala ko lang sa kanya at sa aking sarili sa susunod kung mag-aaproach tungkol sa Islam wag nating sasaktan ang damdamin o sasagasaan ang ego ng isang tao, ipaalam natin o iparating ng maayos kung ano ang Islam…kasi di nila basta-basta matatanggap ang isang bagay lalo na malayo sa kanilang nakagisnan. Lalo na at karamihan pinaiiral ang pride. (Buti na lang pride ko kay bro ko lang pinairal, pero ang alamin ang Islam, isinantabi ko ang pride…)

 

Bro: Inshallah, magtuloy-tuloy na yan…Alam ko naman na namulat ka kung ano ang Islam at hindi dahil sa akin.

Me: Tama, hindi ikaw ang dahilan pero ikaw ang naging daan :)

Alahamdulillah, I am proud to be a Muslimah…tatlong araw sunod-sunod nagsa-shahada ako :) gusto ko lagi magshahada…

 

jzk bro i love you for the sake of Allah…

 

Waleed as Bro my husband, Alhamdulillah.

Ayah as friend :)

Brothers sa Islamic Centre: Bro Umar and one brother (forgot his name)

Mekkah Saida Oyace

Assalamualaikum to all my Brothers and Sisters!!!

 

I just want to share my story How I embrace or How I become Islam! Namulat po ako sa isang Relihiyosong Kristiyanong Pamilya, ganoon pa man since bata pa ako ang paniniwala ko ay si Jesus ay anak ng Diyos sa madaling salita S’ya ay Kapatid din natin ang pagkakamali ko lang pala ay ang araw araw ko na pagrorosary meron pala mali doon sa ni rerecite ko na rosary prayer…hanggang sa mag abroad ako,,,una sa Syria…dahil sa 1st time ko mag abroad lagi ko na mimiss ang Pamilya ko at maraming pagsubok ang na encounter ko pero patuloy pa din akong nagpray..pag nagsuplicate po ako…lage kong nababanggit “Jesus pakisabi kay GOD then ang kahilingan ko…”Nakita ni Madam kung gaano ako katyaga magpray sa umaga at sa gabi sabay ng sindi sa kandila…kaya madalas n’ya din akong isama sa Church,natapos ko ang 3 years at nagpaalam sa Employer ko na uuwi at di na muna babalik then sumunod na adventure ko nanaman ay sa Jeddah KSA na kung saan malapit ang Makah…sa panahon ginugol ko sa Saudi nasaksihan ko ang gawain ng mga Muslim…especially kung paano sila nagsaSalah…at may mga natutunan din akong salita na napakaimportante sa isang Muslim…ang salitang “BISMILLAH” nakita ng Employer ko kung paano ko iginalang ang Relihiyon nila noon kahit isa pa akong Kristiyanoi noon, tulad ng paghawak sa Quran,,,kumukuha ako ng malinis na tela tsaka hawakan ang Quran…nang makita ng Family ng Employer ko mas lalo silang natuwa sa akin….may naging isang kaibigan din akong Indonesian na nagtrabaho naman sa Nanay ng Amo ko,nakagaanan ko s’ya ng loob at madalas magkasama kami sa trabaho,,ang sabi N’ya sa akin “Enti daiman kalam “BISMILLAH” liesh enti mafie rouh Muslim, kalas enti arif kalam Bismillah…yani Liesh??? napangiti ako at sinagot s’ya…’yon kasi ang laging lumalabas sa bibig ko ang salitang “BISMILLAH” feel ko kasi everytime na binibigkas ko ‘yon parang safe ako at walang masamng mangyayari sa akin…Tanung ko sakanya PAANO ba maging Muslim? sabi n’ya sa akin sabihin ko lang daw sa Amo ko at dadalhin ako kung saan para matulungan akong maging Muslim, nahiya akong sabihin sa Employer ko…then Alhamdulilah nakarating ako dito sa UAE at maraming pagsubok din ang na encounter ko…wala akong ginawa noon bago palang ako dito kundi ang magtrabaho at sa pagdating din ng gabi magRosary o magdasal…di pa din mawala ang naging habbit ko simula napunta ako sa KSA ang salitang “BISMILLAH” hanggang isang araw nabalitaan ko ang isang Sister na malapit din sa Employer namin na nagbalik Islam na,natuwa naman kami sa kanya kasi nakita naman namin kung gaano s’ya kasaya.

 

Isang beses inimbitahan nya kami ng colleage ko na sumama sa Islamic Center, wala naman daw kaming gagawin kundi makinig lang…then nang nandoon na kami naging mainit ang palitan ng salita between Christian and Islam…between QURAN and Bible…since bata pa ako di ako mahilig magbasa ng Bible kasi concentrated ako sa mga books sa School,,,pero ang pagrorosary ang nakaugalian ko,,,pero may mali din pala doon kaya isa ‘yon sa nadiskubre ko,,, pero ang paniniwala ko since bata pa ako…nakaukit sa isip ko na si Jesus ay kapatid natin….kaya di n’yo po masabi na lahat ng Christian ay naniniwala na si Jesus ang sinasamba nilang Diyos,,,,AllahuAkbar! pagkatapos ng 2 hours na palitan ng salita….Ako ay isa ng Muslimah na sumasamba lang sa iisang Diyos na si Allah at ang huling Propeta ay si Muhammad(Peace be upon Him).

 

Well di ganoon kadali dahil maraming nabigla may mga kaibigan ako dito sa UAE nagtanung bakit ba daw ako nag Muslim?siguro dw may BF. akong Muslim…Ang sagot ko “Wala akong BF. na Muslim” ito ang kagustuhan ni Allah sa akin,,,isa pang tanong ng isa kong Christian Friend,,,di ka ba nagugutom sa maghapon na dika kumakain sa Ramadan? kasi di daw nya yon kaya ang ginagawang pag fasting… ang sagot ko…”Pagbukal sa loob mo ang pananalig kay ALLAH” at nandyan s’ya lage sa PUSO’T ISIP MO I’m sure di ka magugutom sa maghapon…Nagpapasalamat din ako sa Employer ko na sinuportahan n’ya ako sa pagbalik Islam ko..dinala n’ya ako sa Masjid at nasaksihan ko ang pagsasalah doon…mga 2 hours yata kami nagpray doon,dahil nga sa bago palang ako diko masyado maintindihan ang Salah…pero diko namalayan na lumuluha ang aking mga mata at may nararamdaman akong kakaiba habang binibigkas ang Salah…at nagpray din ako kay Allah sabi ko sakanya kung eto man ang plano mo para sa akin Allah tatanggapin ko ng buong puso,,,then natapos din ang Salah at tinanung ako ng Employer ko…Do u feel good? sagot ko..”Yes MADAM I feel something….and I was crying when we prayed” then She Hug me and said “You’re so sweet…I’m so proud of You” Di pa doon natapos kinabukasan niyaya n’ya ako mag Salah sabay daw kami…nakita n’ya siguro na talagang interesado ako na matoto…binigyan pa n’ya ako ng QURAN.

 

Kaya maraming salamat sa aking Employer, kay Sister Leilah at sa iba ko pang sisters and brothers….hanggang dito muna kwento ko napahaba na yata,inaantok na po ang kapatid n’yo kaya pasinsya na kayo sa palikoliko kong kwento hahaha Ang masasabi ko lang ang pagyakap sa relihiyong Islam ay hindi dahil may BF o GF. ka na Muslim…kailangan tanggapin natin ang relihiyon na eto ng bukal sa puso……na buong puso natin tinatanggap si Allah at ang huling Propeta ay si Muhammad(Peace be upon Him). I admit I was confusing before…but I always prayed to Allah,,,na bigyan N’ya ako ng daan kung saan ba talaga ako nararapat? mahirap din po kasi iwanan agad ang nakagisnan,,,but with the help of my prayer to ALLAH…I know now where do I belong…sinagot N’ya ang prayer ko…Allah Bless Us ALL…AllahuAkbar!!!